Fanart Contest: Meeting Darren is like a Dream Come True

10721428_10202970855094168_47177854_nFor the first in my life, napasali ako sa Fan Art contest. When the Aqueous announced that there will be a Fan Art contest for Darren Espanto’s The Total Performance Concert, I immediately opened Photoshop to draft my entry. I was struggling about the design that I was to make. Buti na lang, natapat na wala akong pasok. So, I spent a long time in front of my computer thinking about the concept of my fan art. Then, boom! Salamat kay God sa guidance kasi naisipan kong i-combine yung text and graphics into my work. I submitted my entry on the night of September 16, 2014 to Aqueous. At first, kinakabahan ako kasi baka hindi magustuhan yung entry ko.

Dahil first time, di ko inasahan na paramihan pala ng likes. The moment na pinost ng Aqueous yung 22 qualified fan arts, medyo natakot ako. Natuwa ako sa initial reactions ng likers pero at the same time, natakot din dahil hindi ko alam kung paano makakakuha ng maraming likes. Dumating yung point na parang nangulelat yung gawa ko at nawalan ako ng pag-asa. Maski si God natanong ko kung bakit niya ako hinayaan na sumali kung wala din naman palang pag-asa. Ang masaya lang, iba talaga kumilos si God. Pina-realize Niya sa akin na hindi ko kailangang umasa, kundi dapat lang akong magtiwala na ibibigay niya kung ano yung best para sa akin.

Sabi nga nila, nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. Kaya nagtiwala ako kay God na manalo or matalo, meron siyang plano para sa akin. So, dahil sinimulan ko na, ipinagpatuloy ko na lang at inisip na di man ako ang manalo, ginawa ko naman ito kundi para kay God at kay Darren. Sinubukan kong sumali at magpost sa mga Facebook groups and pages. Pati mga very supportive na pinsan at friends ko, kinulit ko para lang tuparin ang pangarap ko. J

Dahil may bagyo nung ticket selling day at may pasok din ang kuya ko, hindi kami nakabili ng ticket for Darren’s concert. Kaya lalo ko pang pinag-igihan yung pagpapalike. Andami din naming DARRENatic groups and pages sa Facebook na pinagpostan at kinausap. Pati nga sa pages ng ABS-CBN, The Voice, It’s Showtime, Kris Aquino, atbp, nagpost din ako at nagbakasali na makakuha ng likes. So, habang papalapit yung deadline para sa fan art entry likes, lalo din akong kinabahan.

Sinubukan kong i-manage yung time ko para sa bahay, sa school, sa social life, at sa pagbantay nung aking entry. Hindi pala biro ang kumausap ng mga tao sa facebook isa-isa para lang i-like yung fan art at yung page. Nakakahiya na nga kasi baka nakulitan na sa amin yung mga minessage namin isa-isa. Yung accounts nga nung ibang pinsan ko, na-block ng Facebook dahil sa kaka-message sa FB friends nila para magpalike. Ganunpaman, talagang worth it at SOBRANG NAGPAPASALAMAT AKO SA LAHAT NG MGA NAGLIKE AND SHARE. YOUR EFFORTS ARE VERY MUCH APPRECIATED, GUYS!

You’ll get what you deserve if you work hard for it. Eto ang pinatunayan sa akin ni God sa experience na ito. I could not contain my happiness when the winners were proclaimed. Sobrang grateful ako sa opportunity na ibinigay ng The Aqueous Events Management. Also, the team did a great job para sa first ever major Philippine concert ni Darren.

Dahil sa effort na in-exert namin, ’twas a real pain in the ass that I could not watch his first ever solo concert due to personal reasons. So, I asked my brother, an avid fan who calls himself ‘Addict Darrenatic’, to go over and claim the reward for me.

Then, The Total Performance concert day has arrived. He was very much grateful as I am. Dahil sa All Access, he had stayed inside the Music Museum before the concert when suddenly, he received a message that our dad was brought to the hospital. He had to leave the museum almost 30 minutes before the show started.

We were both very much sorry for missing this once in a lifetime opportunity na manalo ng All Access sa concert ni Darren. Pero iniisip ko na lang kung gaano kaganda yung Espanto family. It was the right thing to do. Sa ngayon, nagpapagaling pa ang father namin at stressful pala talaga yung magpabalik balik sa hospital. Pero maski nanghihinayang dahil sa hindi nakita at napanood si Darren, sobrang thankful pa din dahil sa panahong ito, nakakatulong siya sa pagpapagaan ng loob namin.

Kaya naman, sobrang thankful talaga ako kay God na may existing Darren Espanto. Sabi ko nga sa fan art, “Meeting Darren is like a dream come true.” Sa ngayon, nananatili pa rin itong dream and I believe that with God’s proper timing, this dream will turn into reality.

 

 

 

 

17 Responses to “Fanart Contest: Meeting Darren is like a Dream Come True”

Read below or add a comment...

  1. Mavik Lustre says:

    Owwww. “In God’s perfect time”

  2. Unforeseen thing happens yet we should always look forward for another great opportunity. “In God’s perfect time” talaga. :) Will be praying for your dad’s rapid recovery po. ^_^

  3. Gingerly says:

    Ang ganda ganda po ng ginawa niyo and tama po kayo, “Meeting Darren is like a dream come true”. He was born to inspire and make people happy.

    Magmimeet din po kayo ni bebe, tiwala lang po kay God.

    Godbless!

  4. Raaime Shean Pradas says:

    Hahaha. the best po, nilike ko po to. hahaha. then on, lam ko na ikaw na po mananalo .

  5. Ariel Matias says:

    Dream your dream then do your best, never doubt and never rest until the dream is yours….the right time is coming along your way…

  6. heileen says:

    Hi nilike ko to…..dream come true! congratulations!

  7. ang swerte niyo po. Sana ako din po maging dream come true dn yung dream ko..

  8. Sana makita ko dn sya……………….

  9. luz clarita says:

    Ang ganda nmn po ng sTory :)

  10. Clara Ysabel Alumaga says:

    Nice po..

  11. darrensky says:

    Hello fellow darrenatics! pa-help naman to like and share. Please????
    https://www.facebook.com/barassjps/photos/a.1575437796017641.1073741864.1519677781593643/1575438029350951/?type=1&theater&refid=12

    Kindly click on the link above and LIKE/SHARE. This kid will be very happy to receive your votes. Your <3 and support is greatly appreciated. ;)

    1 like = 1 million thank you!

  12. Huhuhu !! Sana Ako Din .. :) Congrats Congrats :) :)

  13. clarish says:

    Ok lang po yun.. there will always be a second opportunity..

  14. princessajeslawan says:

    :) :) :)

    oo nga ang ganda ganda ng ginawa nya totoo nga ang ” meeting darren is like a dream come true”
    sana makasali ako nya
    #my dream is come true
    #sana makita kona sa personal si darren espanto
    #god is perfect :) :) :) :) :) ;) ;)

  15. Sana ako rin ,, sana makita ok si darren na idol ok sa personal tulungan nyo naman ako plssssss

Leave A Comment...

*